Saturday, July 29, 2006

Bitter-SWEET

gusto ko pa din isiping ako si earla_baby... at mananatili akong si earla_baby hanggang sa pag uwi ko. naalarma akong bigla. nakausap ko yung isa sa mga kakaunti kong kalapit na kaibigan kagabi. "nagmamature" na daw ako. sabi pa ng iba kong kasamahan dito, baka daw mawala na ang mga ngiti ko (na walang patumangging palaging nasa mukha ko araw araw..) paglipas ng panahon na pamamalagi ko dito sa lupaing ito. wag naman sana.

sa dami ng problema ng mundo at sa dami ng mga taong nakabusangot ng dahil sa di mapasan na mga problema, naisip kong bigla, dadagdag pa ba ko?

nahaharap na naman ako sa isa sa mga takot ko. kaya ayaw kong tumanda. ayaw magmature. lahat kasi ng matatanda, nakabusangot na. gusto ko, kahit matanda na ko, at wala ng mga ngipin, maaaliw pa din ang mga apo ko sa pagsilay nila ng matatamis kong mga ngiti. kewl.

gusto kong ngumiti. gusto kong tumawa. kahit madalas, umiiyak ako ng hindi nila alam. ang hirap tanggapin, na oo, tumatanda na nga ako.

at ito na ang mundo sa harap ko.

at ako na mismo ang nagpapagalaw sa sarili kong mundo.

at sa ganito ko inihahalintulad ang buhay ko. sa salitang "bitter-sweet." sa mga panahong di mabilang bilang ang mapapait na karanasan. pero panu mo nga naman malalasahan ang matamis kung hindi mo maikukumpara sa mapait?

hay buhay.

Minsan Bitter.

Minsan Sweet.

Bittersweet.


Sunday, July 23, 2006

One Month. And a lot more to miss.

Two days from now and i am exactly one month surviving in a foreign land, not even once in my life i thought i'd go to. Because with the enthusiasm of embracing other different err, unique cultures, i was able to get by. but it wasn't easy as that. leaving home was such an enormous choice to make. since day one i was born, i was exposed to a land i never seem to appreciate. philippines for me then was just a, say, "a so-so country" and a "so-so society." but day one i landed in this foreign land, i started to whisper that "hey, the philippines is "an A-okay country and society!" I was able to love my country more than ever before. and miss it more and more each day... sigh.

Can anybody send me, sinigang na baboy, kare-kare, tuyo, green mangoes with bagoong, my loved ones, my bingo and my casino, my starbucks, and my most loved telenovela "sa piling mo" here in china? by then i can probably say i can be okay here. :(

Thursday, July 20, 2006

Plagiarism

Merriam-Webster Online Dictionary

plagiarism

1 : an act or instance of plagiarizing
2 : something plagiarized

plagiarize
Function: verb
transitive senses : to steal and pass off (the ideas or words of another) as one's own : use (another's production) without crediting the source
intransitive senses : to commit literary theft : present as new and original an idea or product derived from an existing source

Copying or adopting the literary, musical, or artistic composition or work of another and publishing or producing it as one's own original composition or work.

The dictionary defines plagiarism as the act of "...stealing and using the ideas, writings, or inventions of another as one's own" or ".... taking passages, plots, or ideas from another and using them as one's own".

Ang plagiarism sa makatuwid ay isang uri ng pagnanakaw. At sana alam mo, mahal kong tagabasa, na ang blog kong ito ay naisulat ng dahil sa aking sariling damdamin at nadarama. hindi mo ito maaaring kuhain at ang angkinin na para bang sa iyo. masarap basahin. alam ko. pero sana, nababatid mo kung hanggang saan lang ang hangganan mo. at ito ay hanggang sa pagbabasa at pagbibigay ng opinyon, sang ayon ka man o hindi. at sana igalang mo ang karapatan ko sa bagay na ito. maraming salamat.

Friday, June 30, 2006

Sabi ni God

Sabi ni God... wala daw nakukuha sa mga madaliang paraan.. lahat kailangan paghirapan at ikompromiso. ewan ko ba bakit ako andito ngayon. at bakit sa isang iglap na lang, nagbago ang buhay ko. minamadali ata ng Diyos eh. marami syang planong pilit ipinagsisiksikan sa maikli kong buhay.

Antagal ko ng nananalangin. pero sa panahong ito, ito na yata ang pinakamalaking kasagutan sa lahat ng kahilingan ko.... at ang sabi ni God, "Anak eto, magtiis ka muna..." Hindi niya inabot agad ang hinihiling ko, bagkus binigyan niya ako ng mabilis ngunit mahirap na paraan sa pagtamo ng mga kahilingan ko.

Marahil salamat lang ang tanging mabibigkas ko. Pero kalakip ng salamat ang malaking bakit... "Kaya ko na ba God?" Siguro. kahit ako, hindi makakasagot sa ngayon. patuloy akong nagpapaagos sa direksyong ang Diyos lang ang may alam. Malakas pa din ang paniniwala ko. At patuloy akong magtitiwala hanggang sa makamit ko ang kahilingang malugod na ipapaubaya sa akin...

Kasi sabi ni God, "Kaya mo yan, anak..."

Tuesday, June 20, 2006

One Purpose. One Direction.

23316344img_0006




Nais kong i-share ang isa sa mga dahilan ng pag-alis ko. Magpapakamatay talaga ako makuha lang ito. agad agad. nice noh? sarap mag-early retirement. :)

Tuesday, June 6, 2006

The secret of moving on...

Movin

Dear my ever-so-constant reader,

It has been a loong while since I last updated my blog. A lot of things has happened--good and bad--all bundled up, comin' one after the other for quite a while. I was able to withstand the storm. And here I am, seeing the way out of the dark tunnel, I still have my god with me.

I've been very patient with everything--with time and circumstances, I must say. I learned to be strong and still run so fast even if I am all wounded.

God is so good. I always tell him, "kaw talaga, lagi ka na lang nananadya.." Everything happens for a purpose. Amazing. Especially how he turns out a bad weather into a very nice day, may rainbow pa. naks.

I never thought I would be able to use this as a title in one of my blogs. One of my favorite songs say, "the secret of moving on, is travelling light..." In any perspective you may see it, my dear reader, yes, I am definitely moving on. I was able to grab a few good things in my past but still, I am moving on. I started to put my life into a better perspective.

And now, I know it was a really tough decision to make. I am leaving for China very soon. Leaving family, friends, my graduate studies, and a career here in the Philippines made me sigh. But what the heck, I'd still come back. I believe that a better opportunity waits for me there as of the moment.

Well. people do come and go. things come and go too. its a fact that we all know. it's up to us if we choose to come back or reminisce all the good things that happened to us in the past.

one good advice to live by:
the secret of moving on, is really travelling light.

...because for me a traveller with a heavy heart never reaches his destination easily.

and i am ready to move on... :)

Wednesday, March 1, 2006

Mamahalin mo pa rin ba ako?

…kahit hindi maganda ang mga mata ko?
…kahit hindi matangos ang ilong ko?
…kahit hindi ako kaaya ayang pagmasdan?
…kahit maputi ako?
…kahit mataba pa rin ako?
…kahit long hair na ako ulit?
…kahit nakangiwi ako pag nagssmile?
…kahit baduy ang suot ko?
…kahit hindi ako nagtapos sa magandang paaralan?
…kahit mababa lang ang posisyon ko sa trabaho?
…kahit hindi perpekto ang pamilya ko?
…kahit walang laman ang bulsa ko?
…kahit wala akong trabaho?
…kahit amoy pawis na ako?
…kahit may muta ako sa mga mata?
…kahit panis ang laway ko sa paghalik mo sa akin sa umaga?
…kahit malakas akong mag-burp?
…kahit napakabaho ng utot ko?
…kahit hindi ako marunong tumawid sa kalsada?
…kahit wala akong alam sa direksyon?

Mamahalin mo pa rin ba ako?

…kung hindi ako ang unang nag-fall sa yo?
…kung hindi ako nagpapakitang gusto din kita?
…kung hindi ako nagmamasweet sa yo?
…kung hindi ako nagkukusang gumawa ng paraan magkita lang tayo?
…kung hindi ako mabait?
…kung wala akong pangarap sa buhay?
…kung hindi ako marunong mag-express ng sarili ko?
…kung manhid ako sa mga ginagawa mo para sumaya lang ako?
…kung hindi ako iyakin?

Mamahalin mo pa rin ba ako, Lord, kahit ganito lang ako, at ito lang ang kaya kong ibigay muna sa Iyo?