gusto ko pa din isiping ako si earla_baby... at mananatili akong si earla_baby hanggang sa pag uwi ko. naalarma akong bigla. nakausap ko yung isa sa mga kakaunti kong kalapit na kaibigan kagabi. "nagmamature" na daw ako. sabi pa ng iba kong kasamahan dito, baka daw mawala na ang mga ngiti ko (na walang patumangging palaging nasa mukha ko araw araw..) paglipas ng panahon na pamamalagi ko dito sa lupaing ito. wag naman sana.
sa dami ng problema ng mundo at sa dami ng mga taong nakabusangot ng dahil sa di mapasan na mga problema, naisip kong bigla, dadagdag pa ba ko?gusto kong ngumiti. gusto kong tumawa. kahit madalas, umiiyak ako ng hindi nila alam. ang hirap tanggapin, na oo, tumatanda na nga ako.
at ito na ang mundo sa harap ko.
at ako na mismo ang nagpapagalaw sa sarili kong mundo.
at sa ganito ko inihahalintulad ang buhay ko. sa salitang "bitter-sweet." sa mga panahong di mabilang bilang ang mapapait na karanasan. pero panu mo nga naman malalasahan ang matamis kung hindi mo maikukumpara sa mapait?
hay buhay.
Minsan Bitter.
Minsan Sweet.
Bittersweet.