Friday, June 30, 2006

Sabi ni God

Sabi ni God... wala daw nakukuha sa mga madaliang paraan.. lahat kailangan paghirapan at ikompromiso. ewan ko ba bakit ako andito ngayon. at bakit sa isang iglap na lang, nagbago ang buhay ko. minamadali ata ng Diyos eh. marami syang planong pilit ipinagsisiksikan sa maikli kong buhay.

Antagal ko ng nananalangin. pero sa panahong ito, ito na yata ang pinakamalaking kasagutan sa lahat ng kahilingan ko.... at ang sabi ni God, "Anak eto, magtiis ka muna..." Hindi niya inabot agad ang hinihiling ko, bagkus binigyan niya ako ng mabilis ngunit mahirap na paraan sa pagtamo ng mga kahilingan ko.

Marahil salamat lang ang tanging mabibigkas ko. Pero kalakip ng salamat ang malaking bakit... "Kaya ko na ba God?" Siguro. kahit ako, hindi makakasagot sa ngayon. patuloy akong nagpapaagos sa direksyong ang Diyos lang ang may alam. Malakas pa din ang paniniwala ko. At patuloy akong magtitiwala hanggang sa makamit ko ang kahilingang malugod na ipapaubaya sa akin...

Kasi sabi ni God, "Kaya mo yan, anak..."

Tuesday, June 20, 2006

One Purpose. One Direction.

23316344img_0006




Nais kong i-share ang isa sa mga dahilan ng pag-alis ko. Magpapakamatay talaga ako makuha lang ito. agad agad. nice noh? sarap mag-early retirement. :)

Tuesday, June 6, 2006

The secret of moving on...

Movin

Dear my ever-so-constant reader,

It has been a loong while since I last updated my blog. A lot of things has happened--good and bad--all bundled up, comin' one after the other for quite a while. I was able to withstand the storm. And here I am, seeing the way out of the dark tunnel, I still have my god with me.

I've been very patient with everything--with time and circumstances, I must say. I learned to be strong and still run so fast even if I am all wounded.

God is so good. I always tell him, "kaw talaga, lagi ka na lang nananadya.." Everything happens for a purpose. Amazing. Especially how he turns out a bad weather into a very nice day, may rainbow pa. naks.

I never thought I would be able to use this as a title in one of my blogs. One of my favorite songs say, "the secret of moving on, is travelling light..." In any perspective you may see it, my dear reader, yes, I am definitely moving on. I was able to grab a few good things in my past but still, I am moving on. I started to put my life into a better perspective.

And now, I know it was a really tough decision to make. I am leaving for China very soon. Leaving family, friends, my graduate studies, and a career here in the Philippines made me sigh. But what the heck, I'd still come back. I believe that a better opportunity waits for me there as of the moment.

Well. people do come and go. things come and go too. its a fact that we all know. it's up to us if we choose to come back or reminisce all the good things that happened to us in the past.

one good advice to live by:
the secret of moving on, is really travelling light.

...because for me a traveller with a heavy heart never reaches his destination easily.

and i am ready to move on... :)

Wednesday, March 1, 2006

Mamahalin mo pa rin ba ako?

…kahit hindi maganda ang mga mata ko?
…kahit hindi matangos ang ilong ko?
…kahit hindi ako kaaya ayang pagmasdan?
…kahit maputi ako?
…kahit mataba pa rin ako?
…kahit long hair na ako ulit?
…kahit nakangiwi ako pag nagssmile?
…kahit baduy ang suot ko?
…kahit hindi ako nagtapos sa magandang paaralan?
…kahit mababa lang ang posisyon ko sa trabaho?
…kahit hindi perpekto ang pamilya ko?
…kahit walang laman ang bulsa ko?
…kahit wala akong trabaho?
…kahit amoy pawis na ako?
…kahit may muta ako sa mga mata?
…kahit panis ang laway ko sa paghalik mo sa akin sa umaga?
…kahit malakas akong mag-burp?
…kahit napakabaho ng utot ko?
…kahit hindi ako marunong tumawid sa kalsada?
…kahit wala akong alam sa direksyon?

Mamahalin mo pa rin ba ako?

…kung hindi ako ang unang nag-fall sa yo?
…kung hindi ako nagpapakitang gusto din kita?
…kung hindi ako nagmamasweet sa yo?
…kung hindi ako nagkukusang gumawa ng paraan magkita lang tayo?
…kung hindi ako mabait?
…kung wala akong pangarap sa buhay?
…kung hindi ako marunong mag-express ng sarili ko?
…kung manhid ako sa mga ginagawa mo para sumaya lang ako?
…kung hindi ako iyakin?

Mamahalin mo pa rin ba ako, Lord, kahit ganito lang ako, at ito lang ang kaya kong ibigay muna sa Iyo?

Tuesday, February 14, 2006

iloveyou's on valentines day

uy, bakit di ka naka-red?
san ang date mo mamaya?
parang wala yatang delivery ng flowers ngayon ah?

hmm, nakakapanibago...

o, bat ganyan ang mukha mo? di mo ba ko narinig? ang sabi ko, friend, happy valentine's day! at sana happy puso ka tulad ng mga nakaraang taon.

sus! ano ka ba? sila lang ba may karapatang magcelebrate? Sila lang ba na may mga jowa? Tandaan mo friend, being alone doesn't equal to being lonely. Magkaiba yun.

iloveyou friend.
Taon taon akong hindi magsasawang batiin ka ng happy valentine's day. Magpapalit palit ka man ng jowa, basta ako, consistent lang akong nasa tabi mo.

Happy valentine, Friend.
O hala, celebrate na. :)

Thursday, February 9, 2006

Snakes & Ladders

Uy, kumusta ka? Anlayo na ng nalalakad mo ah. Pero san ka papunta? Tsk. Ayan ka na naman sa sitwasyon na yan ah. Naglalakad nga. Wala namang direction. Wala din namang purpose. Pinapagod mo lang ang sarili mo.

Lagi ka namang back to start.

Parang ikaw yung pangtira sa snakes and ladders. Pag natapat sa pwesto mo yung pinakamalaking snake, back to start ka. Pag natapat ka naman sa pinakamalaking ladder, kala mo yabang mo na. Kaso naman you miss the fun. Mabilis kang matatapos sa laro. Wala ka ng gagawin kundi manood sa mga kalaban mo. At sa paulit ulit na pagpunta nila sa pwestong go back to start.

Kaso ikaw ngayon ang nasa pwestong go back to start eh.
Start ka na naman?
Pang ilan na yan?
Di ka pa ba pagod kakatira ng dice?
Malas ka lang ba tlaga o talagang gusto mo lang patagalin ang laro?

O, turn mo na. Bakit ayaw mo pang tumira? Kanina ka pa hinihintay ng mga kalaban. Sa pagkakaalam ko wala namang you lose a turn, o kaya pass sa larong ito.

May panalo.
May talo.
Kung sino ka man dun, hindi natin malalaman hanggat hindi ka natatapos sa laro. Sige na, hawakan mo na yung dice. Tumira ka na.

At sana, this time, lagyan mo ng direction.
Lagyan mo ng purpose.

Tuesday, January 10, 2006

life=complexity

.....

Everything tells me that I am about to make a wrong decision, but making mistakes is just part of life. What does the world want of me? Does it want me to take no risks, to go back where I came from because I didnt have the courage to say "yes" to life?

I made my first mistake when I was eleven years old, when that boy asked me if I could lend him a pencil; since then, I've realized that sometimes you get no second chance and that it's best to accept the gifts the world offers you. Of course it's risky, but is the risk any greater than the chance of the bus that took forty eight hours to bring me here having an accident? If I must be faithful to someone or something, then I have, first of all, to be faithful to myself. If I'm looking for true love, I first have to get the mediocre loves out of my system. The little experience of life I've had has taught me that no one owns anything, the everything is an illusion--and that applies to material as well as spiritual things. Anyone who has lost something they thought was theirs forever (as has happened often enough to me already) finally comes to realize that nothing really belongs to them.

And if nothing belongs to me, then there's no point wasting my time looking after things that aren't mine; it's best to live today were the first (or last) day of my life...

....

quoted from Maria's Diary, the day after she met the Swiss man
Eleven Minutes by Paolo Coelho