Monday, April 7, 2014

Eulogy to My Most Favorite Lola

1 April 2014
Originally written on a brown paper bag; Unedited

By the window at Prudential Funeral Homes
Manila, Philippines

How does one make a eulogy to her most favorite Lola?

It took me a long while to come into this room. I am certainly not scared, but most likely because, I never really thought this day would come. Akala ko Lola, imortal ka.

You've always been so energetic and strong. Na-amaze ako 'pag nakakayanan mong magbuhat ng isang kabang bigas, o yung mga pasalubong mo sa amin galing Bicol -- alimasag, langka, mangga. Ang lahat ng mga paborito ko. O kung paano mo kami binubuhat ni Juy nang sabay mula sa kuwarto hanggang kusina sa mga araw ng eskuwela.

I am so grateful until today Lola, that we've shared so much memories together. Ako na ang suwerteng apo. Yung mga kaklase ko noong kinder, hatid-sundo ng school bus. Ako, hatid-sundo ng lola. Kumpleto ako lagi ng Simbang Gabi, kasi ako ang lagi mong sinasama. Ang sarap-sarap kumain noon kapag alimasag ang ulam. Sasabihin ko lang noon ang magic words, "Lola, pahimay." Simula pa ng naaalala ko, magkatabi na tayo sa kama hanggang sa makapag-abroad ako. Tapos bago tayo matulog noon, gabi-gabi tayong sabay nagdadasal at ang dami-dami nating pinag-uusapan. Gabi-gabi kitang sinasabihan ng, " Lola, wag ka muna mamamatay ha?" Tapos sasagot ka ng, "Oo, promise, katurog na."

Maraming-maraming beses mo akong pinagtakpan sa mga aminado akong pagkakamali ko noong bata pa ako. Ikaw ang dahan-dahang nagbubukas ng pinto sa mga gabing umuuwi ako ng lasing para hindi ako mapagalitan ni daddy.

Nung nakapagtrabaho ako sa abroad, Lola, tuwang-tuwa ako pag nags-skype tayo, tapos ipapakita ko sa iyo yung paldang tinahi ko para sa sarili ko. Alam kong proud na proud ka sa akin nun. Tuwing nagbabakasyon ako dito, hindi ko nakakalimutang pasalubungan ka. Tapos sasalubungin mo ako ng mahigpit na yakap. Pawi lahat ng lungkot at homesickness ko.

I know you've fought a hard battle, Lola Mang.
Did we win?
Of course, we did!

Kita mo naman Lola, lahat kaming nagmamahal sa iyo, nagsasama-sama, inaalala lahat ng masasayang alaalang kasama ka. Hanggang sa huli Lola, naging strong ka.

Nung nagka-echolalia ka noong October, ako at si Tita Jeanette ang nandun kasama ka sa ospital. The next few days after the ordeal, tinanong kita, "Eh ako, Lola, sino ako?" Tapos sabi mo, with soft and trembling voice, "Ikaw ang paborito kong apo." Nagkatinginan kaming lahat, at sinabi namin sa isa't isa, "Ay, okay na si Lola."

Nung isang buwan na umuwi ako, nung pinakilala ko sa iyo si James, that was by far the most emotional moment in our Manila trip. Finally, you met him. It was an intense and beautiful feeling that the person who has taken care of me since I was young has finally met the person who will hopefully take care of me for the rest of my life. 'Di ba Lola, sabi mo sa kanya with trembling voice, "Please take care of her." Akala mo Lola ibang lahi, napa-ingles ka tuloy.

Two days before kang nawala, nagkausap tayo sa telepono. Wala naman talaga tayong masyadong pinag-usapan, pero hindi ko mabilang kung ilang beses tayong nag- I love you sa isa't isa.

Alam kong gustung-gusto mong lumaban. Your spirits are high. Pero madaya ang pisikal na katawan natin. Alam kong marami ka pang gustong ma-witness na mga mahahalagang pangyayari sa buhay naming lahat. Gusto mong maging present sa lahat ng okasyon. Pero I'm sure Lola Mang, mas maganda ang view dyan. From now on, you will have a better view of us -- Mabilis kang makakakilos... Hindi mo na kailangan ng mag-aakay sa iyo... Hindi ka na hihingalin sa mahabang lakad.

I love you, Lola. Hindi ka na maghihirap. Sa mga panahong naiiyak ako kapag naalala kita, lagi kong sinasabi na nagiging selfish na naman ako. I always mention, "How do I live now, without you, Lola Mang?" imbes na ang sabihin ko, "I am grateful for all the years that I was given the opportunity to live and be taken care by you."

Patuloy at patuloy kang mabubuhay sa puso ko, my favorite Lola Mang.

1 comment:

  1. at sa unang pagkakataon "i'm speechless" hindi ako makapagtrabaho siyet ka!

    ReplyDelete