Wednesday, January 15, 2014

Best Gift


What's the best gift you've ever given to someone? Or the best gift you've given to your partner on the first month of your forever?

Well, aside from love, it can be a couple artwork you've painstakingly done, or poetry written with intense emotions. Or both.

That is priceless.



---
Unang Buwan ng Walang Hanggan

Paano binibigkas ang mga nag-aalab na damdamin?
Paano iindayog sa tugtog ng mapagpalayang pag-ibig?
Paano tiniptipon ang alaalang dala ng bawat umaga?
Paano lalapatan ng himig ang titik na binibigkas ng mga labi?

Tinitipon ang sariling binasag ng kahapon
Inaalam ang mga pangarap na minsan itinapon
Kumakapit sa kakarampot na pag-asa
Na minsang binuwal ng alaala

Bawat araw ay may masidhing paanyaya
Bawat gabi ay may kaakibat na pag-aasam
Na makasama ka
Na makapiling ka

Sa bawat salitang sinasambit
At mga titik na sa tingin lang kumakapit

Sa bawat hakbang
At pagtakbong walang pakialam

Sa bawat ngiti
At bawat hikbi

Hindi kailanman mailalapat sa salita
Ang dala ng simbuyo ng gunita

Sabay tayong gumuhit ng larawan ng bukas
Hulmahin ang bawat pangarap
Maghabi ng hindi malilimutang karanasan
Ikaw at ako hanggang kailanman


Kay tagal kong naghintay
Kaakibat ng poot ng nakaraan
Wari'y hindi ininda ang hapo at pagal
Ngayo'y narito ka na, sinta
Wala na akong hahanapin pa
---

1 comment:

  1. Shempre ngayon ko lang namataan itong post mo na ito ng dahil sa pag-asang may blog kang bago. (gusto kong maglinis kasi sana ng mata) at talagang ni-post mo ito sa araw ng kaarawan ko.

    Para sa walang hanggang pagibig mo. *kampay*
    Alam kong nasa estado ka ngayon na mas maga pa mata mo kaysa sa nguso mo, ganun pa man ikaw parin ang pinaka magandang negneg.

    kahit na lutang ka ng mga oras na ito at halos mahimatay, tandaan mo ikaw parin ang nag iisang best actress at emoterang kakilala ko.

    At kahit pa sinabi mong ok ka na at kalmado kana sa akin kani-kanina lang. alam kong tuliro at halos hindi ka parin makatayo. tandaan mo ito negneg, magkikita kita parin naman tayo sa finals, una una lang yan.

    I miss and love u. keep the faith. kaya mo yan. aja!
    see you the soonest dear. At kapag nabasa mo ito sana handa ka na ulit ngumiti.

    ReplyDelete