Monday, February 14, 2011

Sa Bawat...


Sa bawat di pagsara ng mga pintong binubuksan
Sa bawat di pagtakip ng shampoo at toothpaste na ginagamit
Sa bawat paalala na hugasang mabuti ang pinagkainan
Sa bawat singhal sa maling kilos sa kusina
Sa bawat puting damit na naging makulay matapos labahan

Sa bawat hikbi na tanging gabi lang ang may kamalayan
Sa bawat dabog na pilit inaalam
Sa bawat yakap na umaasang aayos ang lahat
Sa bawat mali na pilit itinatama
Sa bawat pangarap na walang kapagurang inaasam

Sa bawat kilos
Sa bawat galaw
Sa bawat araw
Sa bawat gabi
Sa bawat mali
Sa bawat tama

Sa bawat kahapon
Sa bawat ngayon
Sa bawat bukas

Mahal kita.
At yun ang totoo.

4 comments:

  1. haven't reached paradise yet.

    but what is life without its inconsistencies?

    ReplyDelete
  2. so there is. but as you say, nothing that love can't overcome. :) cheers!

    ReplyDelete
  3. There's always a yin to the yang. But in spite and despite of everything, love, still conquers all. :)

    ReplyDelete