uy, bakit di ka naka-red?
san ang date mo mamaya?
parang wala yatang delivery ng flowers ngayon ah?
hmm, nakakapanibago...
o, bat ganyan ang mukha mo? di mo ba ko narinig? ang sabi ko, friend, happy valentine's day! at sana happy puso ka tulad ng mga nakaraang taon.
sus! ano ka ba? sila lang ba may karapatang magcelebrate? Sila lang ba na may mga jowa? Tandaan mo friend, being alone doesn't equal to being lonely. Magkaiba yun.
iloveyou friend.
Taon taon akong hindi magsasawang batiin ka ng happy valentine's day. Magpapalit palit ka man ng jowa, basta ako, consistent lang akong nasa tabi mo.
Happy valentine, Friend.
O hala, celebrate na. :)
Tuesday, February 14, 2006
Thursday, February 9, 2006
Snakes & Ladders
Uy, kumusta ka? Anlayo na ng nalalakad mo ah. Pero san ka papunta? Tsk. Ayan ka na naman sa sitwasyon na yan ah. Naglalakad nga. Wala namang direction. Wala din namang purpose. Pinapagod mo lang ang sarili mo.
Lagi ka namang back to start.
Parang ikaw yung pangtira sa snakes and ladders. Pag natapat sa pwesto mo yung pinakamalaking snake, back to start ka. Pag natapat ka naman sa pinakamalaking ladder, kala mo yabang mo na. Kaso naman you miss the fun. Mabilis kang matatapos sa laro. Wala ka ng gagawin kundi manood sa mga kalaban mo. At sa paulit ulit na pagpunta nila sa pwestong go back to start.
Kaso ikaw ngayon ang nasa pwestong go back to start eh.
Start ka na naman?
Pang ilan na yan?
Di ka pa ba pagod kakatira ng dice?
Malas ka lang ba tlaga o talagang gusto mo lang patagalin ang laro?
O, turn mo na. Bakit ayaw mo pang tumira? Kanina ka pa hinihintay ng mga kalaban. Sa pagkakaalam ko wala namang you lose a turn, o kaya pass sa larong ito.
May panalo.
May talo.
Kung sino ka man dun, hindi natin malalaman hanggat hindi ka natatapos sa laro. Sige na, hawakan mo na yung dice. Tumira ka na.
At sana, this time, lagyan mo ng direction.
Lagyan mo ng purpose.

Subscribe to:
Posts (Atom)