Monday, December 19, 2005

Whata Xaymaca Night!

Lintik na pag-ibig
parang kidlat
puso kong tahimik na naghihintay
bigla mong ginulat

‘Di ko man lang napansin ang iyong pagdating
daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo
ihip ng hangin biglang nag-iba
sinundan pa ng kulog at kidlat
sa biglang buhos ng iyo sa akin
ako’y napakanta

Lintik na pag-ibig
parang kidlat
puso kong tahimik na naghihintay
bigla mong ginulat

lintik na pag-ibig
parang kidlat
puso kong tahimik na naghihintay
bigla mong ginulat

Mga halik mo’t mga lambing, inuulan mo sa akin
binabaha, binabagyo na ako ng iyong mga cariño
nananaginip ba ako nang gising
ay, tinamaan ng magaling
nadali mo ang puso ko ng iyong kidlat

Lintik na pag-ibig
parang kidlat
puso kong tahimik na naghihintay
bigla mong ginulat

lintik na pag-ibig
parang kidlat
puso kong tahimik na naghihintay
bigla mong ginulat

Lintik, lintik, woh woh woh
parang kidlat

Mga halik mo’t mga lambing, inuulan mo sa akin
binabaha, binabagyo na ako ng iyong mga cariño
nananaginip ba ako nang gising
ay, tinamaan ng magaling
nadali mo ang puso ko ng iyong kidlat

Lintik na pag-ibig
parang kidlat
puso kong tahimik na naghihintay
bigla mong ginulat

Lintik na pag-ibig
parang kidlat
puso kong tahimik na naghihintay
bigla mong ginulat

Lintik, lintik, woh woh woh
parang kidlat

-----------------------------------------------------
an ode to my latest love, Brownman revival...
remembering a wonderful night at xaymaca... :)

Friday, December 16, 2005

Good Morning, Lugaw

Decmeber 16, 2004. Simula ng Simbang gabi. Present lahat ng tao sa apartment. at gising na gising pa. Lahat may kanya kanyang toka. Si yang andun, nagsisimula ng mag igib ng tubig. Si gigi nagpprepare na din ng mga ingredients para sa lugaw. si gelo present din. siya daw ang gagawa ng champorado. sa unang araw ng simbang gabi, dalawa ang tinda namin. lugaw at champorado. si mel at pi, naghahanda na rin at tumutulong para ayusin ang pwesto namin sa tapat ng gate ng ust (na nasa baba lang naman ng apartment namin). si carms ba, nasaan? di ko na maalala. at ako naman, naglelettering na para sa poster na ipapaskil namin sa pwesto. GOOD MORNING, LUGAW ang pangalan ng tindahan namin, na tatagal sa loob ng siyam na araw ng simbang gabi. Lahat ay masasabi kong abala... abala ngunit masaya at may halong excitement at kasiyahan na nadarama.

Kailangan, alas tres y medya pa lang ng madaling araw nakaset up na kami. At ang oras naman na ito ay nasunod. Bago magbukas ang gate ng UST, nakahanda na kami. Naibaba na ang dalawang malalaking kaldero na puno ng lugaw at isang malaking kaldero din naman para sa champorado. Naisaayos na din ang tinda naming mga kape at yosi. Pati ang mga kobyertos, condiments para sa lugaw at ang gatas para sa champorado ay nakaayos na din sa mesang nakaset up sa gilid ng kalsada.

Bago pa lamang magsimula ang misa, may paisa isa ng bumibili. At ang kakaunting mga baryang ito ay nagdudulot ng ngiti sa aming mga labi. Ako ang kahera. Suot ko ang apron na may bulsa kung saan dun ko nilalagay ang mga benta namin. At sila yang, mel, at pi ang nagtatakal ng lugaw ng mga bumibili. Hindi kami sanay sa pagtitinda. At inaamin kong ito ay first time para sa aming lahat. Kalat kalat ang pagtatakal nila. At kahit may calculator ako, hirap pa din akong magcompute ng sukli. May halong kaba din siguro ako.

Hindi lamang mga nagsisimba ang bumibili sa amin, pati rin ang mga barangay tanod ay paisa isang lumalapit para bumili. Sila manang na nagtitinda ng puto bumbong at bibingka ay bumibili na din. Iba rin ang raket ni manong magtataho. Nakipag exchange ng taho para sa isang order ng lugaw.

Pahinga lang namin ang misa sa simbang gabi. Dahil ang mga kaganapan pagkatapos nun ay parang isang buhawing ang bilis lumipas sa aming mga paningin. Naging mabilis ang mga pangyayari. Naging abala kaming lahat na kahit ang pag uusap ay madalang naming nagawa nung mga oras na iyon. 20 minutes? Ganyan kabilis ang mga pangyayari na halos naubos ang paninda naming lugaw at champorado.

May kaunting natira. Sakto para sa agahan naming lahat na nagpagod. At sakto na rin para makapagbigay din kami ng agahan sa isang pamilyang nakatira sa gilid ng isang bakanteng lote. Sakto lang para maging masaya kami at maging masaya ang ibang tao dahil sa amin.

At ganito ang buhay namin sa walong araw pang natitira sa Simbang gabi. Oo, masaya. At hindi ko ito ipagpapalit sa kahit anong materyal na bagay. At pilit ko itong aalalahanin hanggang marahil sa pagtanda ko. At marahil, sila din, na nakasama ko sa isa sa mga masasayang yugto ng buhay namin.

___________________________________________

December 16, 2005. Simula ng Simbang Gabi. Hindi na ako nakatira sa apartment. Gabi na ako nakauwi sa bahay bago ang totoong araw ng simbang gabi. Sale sa mall ang shoes, at dahil sweldo, bumili ako ng isang pares. Umuwi ako sa bahay para lang kumain ng hapunan. At umalis ako muli para dumalaw sa yumaong ina ng isa naming kaibigan. Matagal tagal din kaming andun. Maraming napagkwentuhan.

Madaling araw na akong nakauwi sa bahay. Hindi ako inaantok. At bigla kong nakita ang kalendaryo. Unang araw pala ng simbang gabi. At imbis na matulog, hinintay ko ang oras ng simbang gabi. At habang lumilipas ang mga ito, napakaraming tumatakbo sa aking isipan. Dahil sa eksaktong araw na ito noong isang taon, abala ako. Abala kaming lahat.

Inaamin kong namimiss ko lahat ng nangyari sa akin nung isang taon. Pero sabi nga nila, everything has to move on. Hindi tayo pwedeng maiwan lang dito. Hindi pwedeng maiwan lang ako dito.

Marahil hindi na rin maalala nila mel, yang, gigi, pi, at carms ang mga nangyari noon. Pero ako, masaya. Kahit papano, pag naaalala ko, napapangiti pa rin ako. Ito ang realidad ng buhay.

Friday, December 9, 2005

Thoughts on "Penge"

Same wavelength or what? Who would have thought that after so many people i have asked to read the article, there would be one person who would share the same views and sentiments as mine.

Such perfect words used. No need to say more.

And to my friends and people who wasn't able to read between the lines, this is for you.

***

since you asked.....so insensitive of me not to have said anything about PENGE.....
actually i have my own thoughts and views about it....yun nga lang "it's mine"....baka kasi sabihin mo nag-comment nanaman ako like that one on "getting old"......without being asked....haha; just don't want to sound like some nosey critic ......

well.....ang pagkakaintindi ko.

it's about someone who's "too ABSORBED" ( i guess that's the exact term) with life's plain subtleties ......that the OBVIOUS and the NOT SO INTRICATE things, becomes too complicated because of trying too hard to interpret what's.... BARE.

i think there are situations, and things...and people, who simply exist because THEY DO......and not for any other matter.

like the BOY ..... who wants kulangot. ABSURD for some....even idiotic; but....over right COMIC sa iba.

and the question at the end..... which are you, or i ?

are you the one who finds too many excuses, or "reasons rather".....that you tend to miss the PUNCHLINE.....of life;

or are you the one who takes life and things at FACE VALUE and "capture the moment"......?

....... i know someone who if in the same predicament, WILL: spread his palm facing up, place his kulangot there, and simply tell the boy (while agitating his palm...);

"o ayan.....pag NAHULI MO, sayo na."

these are the selfless souls, not so many ....... but "happier".
so alin ako ? i asked myself after reading.....

or i guess i'd want more to ask the person who wrote it......alin siya ?
if it's about kulangot lang ....then he's happy; if it's about deeper than kulangot .......
then i guess he's too ABSORBED like everybody else,

why tell the story (medyo mahaba....) if you could just simply asked....."masaya ka bang tao, o miserable ?"

then again.....everybody's entitled to their own excuse , and views, and reasons.....whichever you prefer.

SUMMARY: i love the piece ....... !!!

yun lang pala sasabihin ko.....sound's familiar ???? everybody else misses the point....including me.

ali....thanks for sharing yourself in ways i couldn't understand, it's exactly what i adore about you.

luv,
min

***

awww.... my dearee friend min...
Never ceases to teach me about life's surprising moments and its "little punchlines..."

Monday, December 5, 2005

Penge?

"Kuya, penge ng kulangot," sabi niya.

Ang unang pumasok sa isip ko, hindi ko siya kapatid. Noon lang kami nagkita; nagkataong siya ang nakatabi ko sa bus pauwi. Kung akala niya, nadadala ako sa pa-"Kuya, kuya" ng mga taong hindi ko kilala, nagkakamali siya. Pangalawa, sa pagkakaalam ko, ang kulangot ay sinusungkit mula sa ilong upang ipahid sa ilalim ng mesa, idikit sa pader, iipit sa panyo, lunurin sa lababo o itapon sa basurahan. Hindi ipinapamigay ang kulangot. At pangatlo, sakaling nahihingi man ang kulangot, bakit ko naman ibibigay ang kulangot ko sa kanya? Habang nakasakay sa bus kasama ang humigit-kumulang animnapung pasahero?

"Wala akong kulangot."

"Meron e. Kakasilip ko lang kaya! Dali! Penge na!"

Napakabastos naman nitong batang ito, sa loob-loob ko.

"Sabi nang wala e. Nasaan ba ang nanay mo?"

May halong paninindak ang tanong, nang sa gayon, maligaw na ang usapan at ako ay makasandal sa bintana upang matulog.

"Wala akong nanay. At wala rin akong tatay. Bigla na lang akong lumitaw sa mundong ibabaw."

Gaaaaad. Kawawa naman ang batang ito; wala pang sampung taon, mukha nang takas ng psychiatry ward. Manghihingi ng kulangot, pagkatapos, sasabihing sumulpot na lang na parang kabute. Ayoko nang itanong kung ano ang pangalan niya, baka sagutin ako ng "Jesus Christ" at hindi ko kayanin.

"Boy," hinawakan ko ang kanyang ulo at inilingon patungo sa telebisyon ng bus, "Mabuti pa, manood ka na lang. Baka sakaling matutunan mong hindi nahihingi ang kulangot at hindi mina-magic ang mga bata."

"Hmp, madamot," sambit niya sabay irap.

O, huwag nang patulan, pagpipigil ko sa sarili. Bata iyang aawayin mo, post-duty ka pa. Isang buong araw ka nang gising kakapaanak ng mga nanay, itulog mo na lang iyan.

Nakatitig na sa tv ang namamalimos ng kulangot. Kasalukuyang ipinapalabas ang isang tatay na nanghihingi ng donasyon para sa anak niyang may hydrocephalus: "Madalas nga, tinatanong naming mag-asawa sa Diyos, bakit kami pa? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ang nag-iisang anak pa namin ang magkakasakit ng ganito."

Mahirap siguro maging Diyos. Bagsakan ka na nga ng lahat ng hiling, bagsakan ka pa rin ng lahat ng sisi.

Araw-araw ko nang nakakasalamuha ang mga pasyente ng PGH. Hindi ko na sila kailangang mapanood sa telebisyon. Ikinabit ko ang baon kong earphones at pinatugtog ang radyo ng aking telepono. Kinakanta ng Hoobastank ang "I'm not a perrr-fect perrr-son...."

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 24 na oras, ipinikit ko ang aking mga mata.

Ginising ako ng marahang pagtapik sa aking balikat.

"Boss, saan kayo?"

Ang konduktor, naniningil ng pamasahe.

"Southmall, galing PGH, estudyante."

Dinukot ko ang mga nakahandang barya sa aking bulsa. "Sino nga pala ang nagbayad dito?" pabulong kong tanong habang inginunguso ang katabi kong nakatulog din pala.

"Iyan? Walang bayad iyan," mabilis niyang sagot saka abot sa akin ng tiket.

"Bakit?"

Subalit lumipat na siya sa susunod na hilera ng mga pasahero.

"E wala talaga akong bayad e!"

Aba! Gising pala ang mokong.

"Ano? Bibigyan mo na ako ng kulangot?"

Kung nagkataong may hawak siyang baril, malamang nakatutok na ito sa butas ng ilong ko. Para lang sa walang kakwenta-kwentang kulangot na gawa sa aking uhog at sa alikabok mula sa Ospital Heneral ng Pilipinas.

"Teka nga. Seryosong tanong, at kailangan ko rin ng seryosong sagot. Nag-iinit ang ulo ko sa mga pilosopo."

"Tapos, 'pag sinagot ko ang tanong mo, bibigyan mo na ako ng kulangot? Yehey!"

"Aanhin mo ba ang kulangot ko?"

Sa pagkakataong ito, umasa akong sisigaw siya ng "Wow! Mali!" o kaya ay "Yari ka!" at pagkatapos ay ituturo sa akin ang kamerang nakakubli sa isang maleta sa kabilang hanay ng mga upuan.

"Wala lang. Nangongolekta kasi ako ng kulangot."

Uh-oh. Oras na para tumawag sa mental.

"E bakit hindi ka na lang mangulangot buong araw at magdamag?"

"Gusto ko kasi kulangot ng iba."

"Ha? Aanhin mo naman ang kulangot ng iba?"

"Kinokolekta ko nga e. Ang kulit mo naman Kuya!"

At ako pa raw ang makulit!

"Bakit nga? Aanhin mo naman ang kulangot ng ibang tao?" Nakakunot na ang noo ko. Hindi na ako natutuwa.

"Wala lang."

Weirdo. Mas gugustuhin ko pang mabiktima na lang ng isang practical joke show kaysa makipagtalo sa batang ito.

"Hindi pwedeng wala lang. Hindi pwedeng walang bakit."

"Bakit naman hindi?"

"Ganun talaga kapag tumatanda ka na. Hindi pwedeng 'wala lang' dahil lahat ng bagay, may dahilan. Lahat ng pangyayari. Lahat ng hindi nangyayari. Lahat ng tuwa. Lahat ng luha. Lahat ng pagod. Lahat ng sakripisyo. Lahat ng nakakalimutan. Lahat ng nagbabago. Lahat ng nabubuhay. Lahat ng nagkakasakit. Lahat ng namamatay. Kahit kulangot ko, may dahilan kung bakit nasa ilong ko at wala sa kamay mo!

"Kapag matanda ka na, mahirap tanggapin na ang lahat ay nangyayari dahil 'wala lang.' Na lahat ng paghihirap mo sa araw-araw ay wala namang patutunguhan, at sa huli ay wala ring saysay. Para mo na ring inamin na ang buhay mo ay walang silbi. Naiintindihan mo ba iyon?"

Tulala ang bata.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.

Anim. Pito. Walo. Siyam. Sam-....

"Ang sungit mo naman. Madamot ka na nga, masungit pa. Mabuti pa yung katabi kong babae kanina, binigyan agad ako ng kulangot. Wala nang 'Bakit? Bakit?'"

Grrrr.

"E 'DI SA KANYA KA HUMINGI, HUWAG SA AKIN!"

Akala ko, mapapaiyak ko ang batang walang nanay at walang tatay. Lagot kapag nagkataon.

Pero hindi siya umiyak. Bagkus, siya ay tumayo, nag-ayos ng nagusot na damit, humarap sa akin, tinitigan ako sa mata at nagsabing, "Alam mo, yung babaeng nagbigay sa akin ng kulangot, mas masaya siya kaysa sa iyo."

Tinawag niya ang konduktor. Pinahinto ang bus at dali-daling bumaba.

Si Kuya?

Tulala.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Apat. Lima. Anim.

Pito. Walo. Siyam.

Sampu.

---------------------------------------------------------

Eh ikaw ba dude, kumusta ka? masaya ka ba?

O ikaw ang mamang sungit-sungitan...
at bakit ng bakit?

Friday, December 2, 2005

this is my game

...

So I play my game, my desperate pretending game,
with a facade of assurance without
and a trembling child within.
So begins the glittering but empty parade of masks,
and my life becomes a front.
I tell you everything that's really nothing,
and nothing of what's everything,
of what's crying within me.
So when I'm going through my routine
do not be fooled by what I'm saying.
Please listen carefully and try to hear what I'm not saying,
what I'd like to be able to say,
what for survival I need to say,
but what I can't say.

I don't like hiding.
I dont like playing supeficial phony games.
I want to stop playing them.
I want to be genuine and spontaneous and me
but you've got to help me.
You've got to hold out your hand
even when that's the last thing I seem to want.
Only you can wipe away from my eyes
the blank stare of the breathing dead.
Only you can call me into aliveness.
Each time you're kind, and gentle and encouraging,
each time you try to understand because you really care,
my heart begins to grow wings--
very small wings,
very feeble wings,
but wings!

With your power to touch me into feeling
you can breathe life into me.
I want you to know that.
I want you to know how important you are to me,
how you can be a creator--an honest-to-God creator--
of the person that is me
if you choose to.
You alone can break down the wall behind which I tremble,
you alone can remove my mask,
you alone can release me from my shadow-world of panic,
from my lonely prison,
if you choose to.
Please choose to.
Do not pass me by.

It will not be easy for you.
A long conviction of worthlessness builds strong walls.
The nearer you approach to me
the blinder I may strike back.
It's irrational, but despite what the books say about man
often I am irrational.
I fight against the very thing I cry out for.
But I am told that love is stronger than strong walls
and in this lies my hope.
Please try to beat down those walls
with firm hands but with gentle hands
for a child is very sensitive.

Who am I, you may wonder?
I am someone you know very well.
For I am every man you meet
and I am every woman you meet.

...