Friday, February 11, 2011

Pag-ibig, Masdan ang Ginawa Mo?


Ilang araw na akong tumutulong sa flower shop. Taun-taon, ganito ang ginagawa ko tuwing papalapit na ang araw ng mga puso.

Nagtitiklop ng message cards. Isinisilid sa envelope. Naglalakip ng delivery orders. Isinusulat ang bawat mahalagang tagubilin ng nagpadala -- kulay, bilang, at ayos ng mga bulaklak. Sa pagitan ng mga ito ang kilig at emosyon sa pagbabasa ng bawat salitang pilit isinasalin ang nilalaman ng damdamin.

Masaya akong ginagawa ang mga bagay na ito -- alang-alang sa pag-ibig. Sa prosesong ito, marami akong muling nalalaman at natutuklasan. Sa gitna ng pagka-abala, sigalot, at di pagkakaunawaan, marami pa din pala ang himihinto, at nagbubuhos ng atensyon para sa pag-ibig.

Iba-iba ang paraan ng bawat tao upang ipahiwatig ang kanilang pagmamahal. May ibang gumagastos ng malaking halaga para sa mamahaling bulaklak. May iba naman, na sa pagitan ng layo sa kanilang minamahal, pilit pinupunan ng pagpapadala ng mga bulaklak ang kanilang pisikal na pagkukulang. May iba naman, na hanggang ngayon, hindi pa rin napapagod sa pagitan ng ilang taong pagdiriwang ng araw ng mga puso bilang mag-asawa. At may iba naman, na pilit pa ring naghahangad ng pagmamahal na hindi nasusuklian magbilang man ng ilan pang taon.

Masayang umibig. Ngunit, higit na masaya ang makita, na kahit saang lugar man ako mapunta, pag-ibig ang tanging wika na nagbibigkis sa ating lahat.

5 comments:

  1. pag-ibig, puro na lang pag-ibig! but i laveeet! :D hihi

    ReplyDelete
  2. next year, dyan ka pa ren magwork ha. punta ako ng valentines season, patulungin mo naman ako. :D

    ReplyDelete
  3. baket ko kelangan maging sure? mahirap ba??

    ReplyDelete