Sabi ni God... wala daw nakukuha sa mga madaliang paraan.. lahat kailangan paghirapan at ikompromiso. ewan ko ba bakit ako andito ngayon. at bakit sa isang iglap na lang, nagbago ang buhay ko. minamadali ata ng Diyos eh. marami syang planong pilit ipinagsisiksikan sa maikli kong buhay.
Antagal ko ng nananalangin. pero sa panahong ito, ito na yata ang pinakamalaking kasagutan sa lahat ng kahilingan ko.... at ang sabi ni God, "Anak eto, magtiis ka muna..." Hindi niya inabot agad ang hinihiling ko, bagkus binigyan niya ako ng mabilis ngunit mahirap na paraan sa pagtamo ng mga kahilingan ko.Marahil salamat lang ang tanging mabibigkas ko. Pero kalakip ng salamat ang malaking bakit... "Kaya ko na ba God?" Siguro. kahit ako, hindi makakasagot sa ngayon. patuloy akong nagpapaagos sa direksyong ang Diyos lang ang may alam. Malakas pa din ang paniniwala ko. At patuloy akong magtitiwala hanggang sa makamit ko ang kahilingang malugod na ipapaubaya sa akin...
Kasi sabi ni God, "Kaya mo yan, anak..."
ayyy...miss na tuloy kita...
ReplyDeleteokay lang yan. party ng malupet pagbalik ko :)
ReplyDelete