Sana ang buhay parang Adobe Photoshop at Adobe Illustrator. Sa sobrang pagtatrabaho ko at pakikihalubilo araw araw kay adobe photoshop at adobe illustrator, pakiramdam ko ang buhay pwede rin gamitan ng command na EDIT + UNDO. kahit paulit ulit kang magkamali, ayus lang. maaari mong balikan ang pagkakamali mo at itama ito ayon sa nararapat.
Bigla kong napagtanto, ang buhay pala hindi ganun. wala pa lang EDIT + UNDO na command. kung ano na ang nangyari, tama man o mali, hindi na pwedeng baguhin. wala nang ibang magagawa kundi ang magsimula ulit at tanggapin ang mga pangyayaring kaakibat ng desisyong nagawa man ng tama o nagawa ng mali.
paano mo nga naman malalaman na ang isang bagay ay tama pala kung hindi mo naranasan ang mali? ganun talaga eh, paano mo masasabing maginhawa ka pala kung hindi mo naranasan ang kahirapan? at paano mo masasabing masaya ka pala kung hindi mo naranasan ang kalungkutan?
at lahat yun, sa loob ng maikling panahon, napagtanto ko ang kaibahan ng bawat isa.
kaya ngayon, alam ko na ang pagkakaiba. hindi ko man magamit ang EDIT + UNDO, eh di FILE + NEW na lang. di pa naman siguro huli ang lahat.
*
hindi man ako nakapaghanda ng anumang mamahaling regalo, marahil ang pagkilala kong muli sa sarili ko ay isang magandang handog para sa kanya. matagal tagal na din palang pinaiiral ko ang puso ko.
limang taon na.
at sana'y limang taon pa ulit.
at limang taon pa paglipas nun.
Monday, September 12, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment